Pangulong Duterte, hindi na palalawigin ang Martial Law sa Mindanao

by Erika Endraca | December 11, 2019 (Wednesday) | 49617

METRO MANILA – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes (Dec. 09) ang joint command conference ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Malacanang.

Kinabukasan, inanunsyo ng palasyo na babawiin na ni Pangulong Duterte ang martial law declaration sa Mindanao pagkatapos ng taong 2019.

Ayon kay Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ginawa ng Punong Ehekutibo ang desisyon dahil batay sa pagtaya ng mga security at defense advisers ng administrasyon, humina na ang terorismo at rebelyon sa Mindanao.

“President Rodrigo Duterte is not extending martial law. It will expire on December 31, 2019. The decision is based on the assessment of the security forces as well as the defense advisers that the terorrist and extremist rebellion have been weakened as a result of the capture or neutralization of their leaders” ani Presidential Spokesperson And Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Tiwala naman ang Malacañang na kayang panatilihin ng mga security force ng pamahalaan ang kapayapaan at seguridad sa Mindanao kahit walang martial law.

“The people of Mindanao rest assured that any insipient major threat in Mindanao will be nipped in the bud even without martial law.” ani Presidential Spokesperson And Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

Dineklara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Mindanao noong May 23, 2017 matapos kubkubin ng ISIS-inspired Maute Group ang Marawi City.

Pagkatapos noon, 3 beses pinalawig ang batas militar sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Administrasyong Duterte sa Kongreso dahil sa pananatili ng banta ng terorismo sa Mindanao.
(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,