Pangulong Duterte binisita ang pamilya ng 6 pulis na nasawi sa Guihulngan City ambush

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 2621


Personal na nakiramay si Pangulong duterte kahapon sa pamilya ng anim na pulis na nasawi matapos tambangan ng umano’y mga myembro ng New People’s Army sa Guihulngan City ambush noong nakaraang linggo.

Nangako ang pangulo ng tulong pinansyal sa mga naulila at sinabing sasagutin ang pagpapaaral sa anak ng mga nasawi. Hindi naman naiwasan ng pangulo na muling maglabas ng sama ng loob at galit sa mga rebeldeng komunista.

Hinamon din nito si Communist Party of the Philippines founder Joma Sison na umuwi ang bansa at siya ang harapin. Hinikayat din ng punong ehekutibo ang mga NPA na sumuko na sa pamahalaan at gagawin na lamang ang mga ito na pulis o militar.

Samantala ipinag-utos naman ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na huwag ng gamitin ang salitang revolutionary tax.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,