Pangulong Duterte, biktima umano ng fake news kaugnay ng anti-drug war

by Radyo La Verdad | October 26, 2017 (Thursday) | 3038

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng ASEAN lawyers at jurists ang kaniyang sa loobin hinggil sa mga kontrobersyang kinakaharap ng kaniyang administrasyon lalo na ng anti-drug war ng pamahalaan.

Ayon sa punong ehekutibo, biktima siya ng fake news at pamumulitika. Pinasasama rin aniya ng iba ang kaniyang pagkatao. Hindi napigilan ng Pangulong tuligsaing muli ang European Union at si dating U.S. President Barack Obama.

Kasabay nito, nagbabala rin siya kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog. Si Mabilog ay isa sa mga local chief executive na kabilang sa kaniyang narco-list.

Sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at Ozamiz City Mayor Parojinog ay nasa listahan ding hawak ni Pangulong Duterte na umano’y sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Kapwa rin na napaslang ang mga ito ng mga pulis sa kanilang anti-drug operations.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,