Pangulong Duterte at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, mas pinaigting ang ugnayan ng dalawang bansa

by Radyo La Verdad | September 4, 2018 (Tuesday) | 2617

Pormal na sinalubong ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jerusalem sa tatlong araw na official visit nito sa Israel.

Sinaksihan ng dalawang lider ang pagpirma sa tatlong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Israel kabilang na ang agreement on trade, science at care-giving.

Binigyang-diin ni Netanyahu kung gaano kahalaga ang ugnayan ng Pilipinas at Israel kabilang na ang pagkupkop ng Pilipinas ng Jewish refugees pagkatapos ng World War II at ang pagboto ng Pilipinas pabor sa United Nations resolution upang maitatag ang State of Israel.

Bukod dito, inaalala rin ni Netanyahu ang tulong ng mga Filipino caregiver sa mga Israeli family. Ipinaabot naman ni Pangulong Duterte ang pasasalamat sa mabuting pakikitungo ng Israel sa mga OFW.

Bukod dito, handa rin aniyang mag-extend ng tulong ang Pilipinas sakaling kailanganin ng Israel.

Samantala, kahapon, bumisita rin si pangulong duterte sa yad vashem holocaust memorial.

Inaasahan namang makikipagpulong ngayong araw si Pangulong Duterte kay Israeli President Reuven Rivilin.

Bibisita rin ang punong ehekutibo sa Open Doors Monument upang gunitain ang pag-ayuda ng Pilipinas sa mga Hudyo noong panahon ng Holocaust, gayundin sa isang Military Camp upang tingnan ang ilang advanced military weapon at equipment.

 

( Rosell Agustin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,