Pangulong Aquino, pinasinayaan ang pinakamalaking solar farm sa Calatagan, Batangas

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 1744
Photo credit: Malacañang
Photo credit: Malacañang

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Switch-on ceremony ng 63.3 megawatts na solar plant sa Calatagan, Batangas.

Ang naturang planta ay makakatulong at sasapat sa pangangailangan na enerhiya sa kanlurang bahagi ng Batangas.

Binubuo ito ng 200,000 solar panels sa 160 ektaryang lupain sa Brgy. Paraiso sa Calatagan na itinayo ng Solar Philippines sa pangunguna ng presidente nitong si Leandro Leviste.

Itinayo ito ng 2,500 manggagawa sa paanan ng Mt. San Piro sa probinsiya ng Batangas.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng $120 million (P5.7 billion).

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Donato Marcos, malaking kontribusyon ito sa emmission reduction at pagpupursige ng gobyerno na makalikha ng trabaho sa mga Pilipino.

Patunay rin aniya ito na kaya ng mga Pilipinong makapagtayo ng kumpanya at proyektong pang-enerhiya.

“This project is also a proof that Filipinos are capable of establishing energy companies and projects from vision to completion.” Pahayag ni Marcos.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,