Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Aquino sa bansang Nepal matapos ang 7.8 magnitude na lindol noong ika-25 ng Abril na pinaniniwalaang nasa 3,316 na ang naitalang nasawi habang nasa 6,535 na ang naitalang sugatan.
Sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda, patuloy na ang pakikipagugnayan ng pamahalaan sa Nepal para magpaabot ng tulong.
“Filipinos from all walks of life have likewise expressed sympathy and offered prayers for the nepalese people..we are prepared to, and consequently taking steps to, render aid to the maximum of our limitations. In this time of great loss, nepal is not alone. We are confident that, with the help of the entire world, they will be able to overcome this calamity.” pahayag ni Lacierda.
Nagtungo na din ang embahada ng Pilipinas na nasa New Delhi, India para magbigay ng assistance sa mga Pilipinong naapektuhan sa nangyaring lindol.
Ayon sa tala ng Commission on Filipino Overseas noong 2012, nasa 110 lamang ang bilang ng mga Pilipino sa Nepal.
Sa ngayon ay wala pang naitatala na Pilipinong nasugatan o nasawi sa nangyaring lindol.
Tags: earthquake, Edwin Lacierda, Nepal, Pangulong Aquino