Pangulong Aquino, nagpasalamat sa Estados Unidos dahil sa suporta sa pagtataguyod ng rule of law sa isyu sa West Philippine Sea

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 1171

PNOY
Sa isinagawang Bilateral meeting ng Pilipinas at Estados Unidos kanina, nagpasalamat si Pangulong Aquino sa suporta ng Estados Unidos sa posisyon ng Pilipinas na mapairal ang rule of law sa territorial dispute laban sa China.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nagpasalamat din si Pangulong Aquino sa ayuda ng US na pagpapatatag ng maritime security ng Pilipinas sa pamamagitan ng foreign military financing assistance na kaloob nito.

Gayundin sa suporta para sa pagtatayo ng National Coast Watch Center.

Ikinalugod naman aniya ng Pangulong Aquino ang panukalang Southeast Asia Maritime Security Initiative on assistance para tulungan ang Pilipinas na mapatatag ang kakayahan nito sa seguridad sa karagatan. 

Samantala,  ipinahayag naman ni US Preside Barrack Obama  na magpapatuloy ang pagpapabuti sa relasyon nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng joint exercises.

Ani Coloma, binigyang diin ni Obama ang suporta at adbokasiya nito sa Freedom of Navigation at Freedom of Aviation.

Bukod dito, sinabi pa ni Obama na nkahanda rin itong tumulong para sa climate change goals ng Pilipinas.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,