Nakakuha ng parehong grado sina Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay bilang most trusted officials ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Nagtala ng parehong 45% si Aquino at Binay bilang most trusted officials.
Ito ay sa kabila ng pagbaba ng rating ni Aquino ng 8 percent mula sa 53% noong nakaraang disyembre habang bumaba din ng 4% ang rating ni Binay.
Bukod dito, nangunguna pa rin si Aquino sa most appreciated official sa limang matataas na opisyal ng bansa.
Bagaman bumaba ang rating ng naturang mga opisyal, nakakuha si Aquino ng 49% mula sa 55% noong nakaraang taon, 47% naman si Binay mula sa 52%, nakakuha naman ng 44% si Senate President Franklin Drilon mula sa 51%, 25% naman ang nakuha ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno mula sa 29% habang 24% naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. mula sa 29%.
Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng January 24 at 28 sa 1,800 na rehistradong botante.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: most trusted officials, Pangulong Aquino, Pulse Asia, VP Binay