Panghuhuli sa mga tambay at mga lumalabag sa ordinansa, hindi paghahanda sa pagpapatupad ng martial law

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 6173

Hindi prelude o papunta sa martial law ang ginagawang panghuhuli ng mga pulis sa mga tambay na lumalabag sa iba’t-ibang ordinansa.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, 2016 pa nila ginagawa ito sa ilalim ng Oplan Rody o Rid the Streets Off Drinking and Youth.

Target lamang ng operasyon na mapanatiling ligtas ang mga lansangan sa bansa.

Aniya hindi rin kasama sa mga pinag-uusapan sa command conference ng PNP at AFP ang patungkol sa martial law.

 

Tags: , ,