Binigyang diin ng Department of Foreign Affairs ang kahalagahan ng pagkakaroon ng fisheries agreement ng Taiwan at Pilipinas.
Ito ay dahil sa stand off ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Coast Guard at Taiwan Authority noong May 25 sa may Batanes Island.
2013 pa sinimulan ang pag uusap sa pag- buo ng kasunduan matapos ang Balintang incident na ikinasawi ng isang mangingisdang Taiwanese kung saan hindi sinasadyang nabaril ng mga tauhan ng PCG habang tumatakas ang fishing vessel ng Taiwan.
Ayon sa Coast Guard bukod sa May 2 incident may ilang insidente na rin na namamataang pumapasok sa karagatang sakop ng 24 nautical miles contiguous zone ang mga barkong pangisda ng Taiwan.
Tags: Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Coast Guard