Bukas sa pakikipagdayalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang grupo na tumututol sa pagbuhay sa mandatory Reserve Officer Training Corps o ROTC program sa mga kolehiyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nasa pag-aaral pa naman ang naturang panukala kaya nananatiling bukas ang pangulo para sa anumang suhestyon.
Isa ang Kabataan Partylist ang tumututol sa naturang panukala, sinabi ni Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na nilalabag ng naturang panukala ang karapatan ng mga estudyante.
Plano ni Pangulong Duterte na ibalik ang mandatory ROTC upang makatulong sa pagdidisiplina sa mga kabataan at makatulong rin upang mabuo ang patriyotismo sa mga susunod pang henerasyon.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: bukas sa pakikipagdayalogo, mandatory ROTC sa kolehiyo, Pang. Rodrigo Duterte