Pang. Ferdinand Marcos Jr., bibisita ngayong araw, Sept. 15 sa Cotabato City

by Radyo La Verdad | September 15, 2022 (Thursday) | 2447

Suspendido ngayong araw ang klase sa lahat ng paaralan sa Cotabato City at wala ring pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa lungsod, ito ay dahil sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa inaugural session ng extended Bangsamoro Transition Authority ngayong araw, Sept. 15, 2022.

Ang extended BTA ay nilagdaan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 28, 2021.

Layon nito na mailipat sa 2025 ang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao. Nagbibigay ito karapatan kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na mag-appoint ng 80 miyembro ng BTA.

Inaasahan ang pagdalo ni MNLF Chairman Nur Misuari sa inaugural session.

Gayun din ng mga diplomatic community upang maisulong ang kapayapaan sa Mindanao.

(Val Villaflor | UNTV News)

Tags: , ,