Pang. Duterte, tiwala pa rin kay PNP Chief Albayalde sa kabila ng mga alegasyong sangkot ito sa drug recycling

by Radyo La Verdad | September 26, 2019 (Thursday) | 9568

Hangga’t nananatili sa pwesto si PNP Chief Police General Oscar Albayalde, nananatili ang tiwala sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pahayag ng palasyo matapos ang ginawang pakikipagpulong ng Punong Ehekutibo kina Albayalde at Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino.

Nasangkot ang pangalan ni Albayalde sa isyu ng umano’y pagrerecycle ng mga nakukumpiskang iligal na droga ng ilang pulis o yung mga tinaguriang ninja cops.

Subalit, ayon sa Palasyo, iniulat ni albayalde sa Pangulo na nalansag na ang umano’y sindikato ng mga ninja cop sa panahon pa ng dating PNP Chief at ngayo’y Senator Ronald Bato dela Rosa.

Ang nalalabi na lang umano ay ang mga police scalawag na sangkot sa mga katiwalian at operasyon ng iligal na droga.

“Ang difference daw is iyong ninja cop is it was a syndicate; sindikato, kumbaga talagang may conspiracy, may mga link ang bawat isa. Pero itong mga police scalawags, kaniya-kaniya. Kaniya-kaniyang kita,” ani Sec. Salvador panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel.

Nanindigan naman ang Malacañang na nananatiling epektibo ang internal cleansing sa pnp at ang anti-drug war ng duterte administrasyon. Katunayan nito ay ang pagkaka-neutralize sa 124 police scalawags sa mga entrapment operation.

Nakadepende naman kay Pangulong Duterte kung isasapubliko niya ang pangalan ng mga tauhan ng pulisya na umano’y sangkot pa rin sa operasyon ng iligal na droga.

Subalit, nagbitiw na ng matinding babala ang Pangulo laban sa kanila.

“But there are some people, like policemen, you have to beg then they are at it again, and they sell drugs and they go scot-free and they think that they are the lords of this country. Well, i’m sorry to tell you, everybody dies in this world but you will go ahead first. Remember that.” Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,