Inilabas ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga bagong ebidensya na nagpapatunay na ang PNP-SAF Troopers ang nakapatay sa Malaysian Terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan .
Ito ang laman ng kanyang televised Nationwide Address kaninang tanghali sa Malakanyang kaugnay ng January 25, Mamasapano Incident.
Ayon kay Pangulong Aquino, pinapabulaanan ng ulat na ito ang lumabas na umano’y alternative version sa naturang pangyayari na nagresulta ng pagkasawi ng 44 na SAF Commandos.
Wala rin anyang foreign troops na kasama sa operasyon sa paghuli kay Marwan sa Mamasapano.
Sinabi rin ng angulo na layon ng mga naglabas ng alternative version na guluhin ang ginagawang imbestigasyon sa Mamasapano dahil na rin sa malaking pabuya na nakapatong sa ulo ni Marwan.
Kaugnay nito, nakatakda nang sampahan ng reklamo ang 90 indibidwal na itinuturong may sala sa pagkamatay sa SAF Troopers.
Ayon kay Department of Justice Secretary Leila de Lima, sa lunes ay isasampa na nila ang reklamo.
Sa 90 na sasampahan ng reklamo, 26 ay mula sa Moro Islamic Liberation Front, 12 sa BIFF, at 52 ay mula sa Private Armed Groups kung saan ang ilan ay sangkot rin sa Maguindanao Massacre. ( Nel Maribojoc / UNTV News)
Tags: Department of Justice Secretary Leila de Lima, Pangulong Benigno Aquino III, Zulkifli Bin Hir