Pangulong Benigno Aquino III, nagbalangkas ng isang administrative order para sa pagbubuo ng transition team

by Radyo La Verdad | May 11, 2016 (Wednesday) | 23787

PNOY
Kinumpirma ni Pangulong Benigno Aquino The Third na kinausap na niya ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon sa Pangulo, kinausap niya si Mr Bong Go kahapon at pinahahatid ang mensahe kay Duterte na nagpabalangkas na siya ng isang administrative order kung saan itinatalaga si Executive Secretary Paquito Ochoa bilang pinuno ng transition team.

“I talked to Mr. Bong Go yesterday to relay to Mayor Duterte that an Administrative Order (AO) is being drafted designating the executive secretary as head of the transition team.” , pahayag ni Pangulong Aquino.

Dagdag ni Pangulong Aquino, inalok niya ang serbisyo ng mga miyembro ng kaniyang gabinete para sa mga pangunahing impormasyon at kaaalaman para sa maayos na pagpapalit ng pamamahala.

“I further offered that the cabinet stands ready to brief his team on any and all of their concerns. Lastly we are committed to effecting the smoothest transition possible.”, sinabi pa ng Pangulo.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,