Binisita ni Pangulong Benigno Aquino III ang Marikina Elementary School upang matiyak na nakapaghahanda ang eskwelahan ngayong pasukan.
Ito ay bahagi na rin ng pakikiisa ng Pangulo sa taunang brigada eskwela at sa oplan balik eskwela sa bansa.
Layon ng oplan balik eskwela na matiyak na natutugunan ang mga problema ng mga estudyante sa unang araw ng pasukan.
Ininspeksyon ng Pangulo ang mga silid aralan at inalam kung may kakulangan sa mga kagamitan o may problema sa mga pasilidad.
Sinabi ng Pangulo, mahigit 33 thousand na mga silid aralan ang naitayo na noong 2014 at ngayong 2015 target ng DepEd na makapagtayo pa ng dagdag na halos 32 thousand na classsroom.
Ayon naman kay Budget Secretary Florencio Butch Abad, naglabas na ng pondo ang DBM ng 1.3 billion pesos para naman sa repair at rehabilitation ng mahigit limang libong classroom na nasira ng mga nakaraang bagyo at Zamboanga siege. ( Nel Maribojoc / UNTV News )