Itinuturing pa rin na most trusted officials sina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay.
Ayon sa bagong survey ng Pulse Asia, mataas pa rin ang approval ratings ni VP Binay na may 58%, Pangulong Aquino na may 54%, 49% si Senate President Franklin Drilon, pang-apat si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may 31% at 30% si House Speaker Feliciano Belmonte.
Most trusted official pa rin si VP Binay na may trust rating na 57%, pangalawa si Pangulong Aquino na may 50%, 45% si Drilon, 28% si Belmonte at 27% si CJ Sereno.
Nangunguna naman ang Korte Suprema sa may mataas na performance ratings, pangalawa ang Senado at Kamara.
Ayon sa kampo ni VP Binay, patunay lamang ito na kinikilala ng taumbayan ang dedikasyon sa trabaho ng Bise Presidente na taliwas sa mga sinasabi ng mga kalaban sa pulitika .
Sa pahayag naman ng Malakanyang, testamento naman ito ng patuloy na tiwala ng mga pilipino kay Pangulong Aquino.
Magsisilbi ring inspirasyon ito ng Pangulo sa nalalabi pa nitong ilang buwang panunungkulan upang mapaglingkuran pang mabuti ang bansa.
Isinagawa ang survey noong May 30 hanggang June 5, 2015 sa 1200 respondents sa panahon ng issue kay Mary Jane Veloso , imbestigasyon sa umano’y overpriced Makati hall building 2 na kinasangkutan ni VP Binay, Valenzuela Kentex fire incident at sa lumalalang agawan sa teritoryo ng Pililpinas at China sa West Philippine Sea.
Tags: House Speaker Feliciano Belmonte, Pangulong Benigno Aquino III, Senate President Franklin Drilon, Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Vice President Jejomar Binay