Pamunuan ng NAPOLCOM at PNP kuntento sa ginawang rescue operations ng mga pulis sa mga lugar na hinagupit ni Lando

by Radyo La Verdad | October 19, 2015 (Monday) | 1098

lea_napolcom
Kuntento si NAPOLCOM Chairman at DILG Sec. Mel Senen Sarmiento sa ginagawang rescue operations ng mga tauhan ng PNP sa mga lugar na apektado ng bagyong Lando.

Ayon sa kalihim, buwis buhay ang ginagawa ng mga pulis na pagliligtas sa mga residente lalo na sa mga bata na inabot ng baha.

Malaking tulong din aniya ang ginagawang pagpapadala ng mga pulis ng litrato dahil nalalaman nila ang totoong sitwasyon sa ground upang makapagpadala ng nararapat na tulong sa mga apektadong lugar.

Kaya naman plano ng opisyal na bigyan ng commendation ang mga pulis sa maayos nilang rescue operations at reporting ng totoong sitwasyon.
Ikinatuwa naman ng pinuno ng pambansang pulisya ang ginawang trabaho ng kanyang mga tauhan.

Tulad din ni Sec. Sarmiento, nais nyang tugunan ang pangangailangan sa mga tamang kasuotan ng mga pulis sa pagre-rescue tuwing may kalamidad.

Sa kabila nito, nangako naman nang tuloy-tuloy na tulong ang pinuno ng pambansang pulisya sa mga lugar na naaapektuhan ng kalamidad.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: ,