CGMA, nanumpa na bilang bagong House Speaker

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 6048

 

QUEZON CITY, Metro Manila – Hindi napigilan ang mga kongresistang nagsusulong ng pagbabago sa liderato ng Kamara.

Pagkatapos ng SONA, itinuloy nila ang pagsasagawa ng sesyon kahit walang sound system at mace. 244 congressmen ang present base sa roll call na kanilang ginawa.

Bago natapos ang botohan, dumating ang mace. Agad itong inilagay sa harapan ang inanunsyo na 184 congressmen ang bumoto ng yes para ihalal na bagong house speaker si Arroyo habang 12 ang nag-abstain.

Agad nanumpa si Arroyo at nanguna sa sesyon.

Pero para kay Albay Rep. Edcel Lagman, posibleng kuwestuyin ang naging proseso.

Samanatala, inatasan naman ang house secretariat na isaayos ang isyu na ito upang mailagay sa record ang lahat ng napagkasunduan sa isinagawang sesyon at ipaalam sa Senado at sa opisina ng Pangulo ang pagpapago ng lideratong kanilang isinagawa.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,