Pampanga Rep.Gloria Arroyo, humiling na makalabas ng bansa

by Radyo La Verdad | August 12, 2016 (Friday) | 3506

UNTV__image__062812__GLoria-Macapagal-Arroyo1
Submitted for resolution na ang motion to travel na inihain ni Pampanga Representative Gloria Arroyo sa fourth division ng Sandiganbayan.

Personal na nagtungo si Arroyo sa Sandiganbayan kaninang umaga upang daluhan ang pagdinig sa kanyang mosyon.

Nais ni Arroyo na makapunta ng germany mula September 20 hanggang October 3 upang magpakonsulta sa mga eksperto at sa kanyang stem cell treatment at pagkatapos nito ay magtungo sa France upang makapagbakasyon.

Bukod dito nais rin ni Ginang Arroyo na makapag bakasyon kasama ang kanyang pamilya sa hongkong mula October 29 hanggang November 4.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,