Pampanga Rep.Gloria Arroyo, humiling sa Sandiganbayan na makalabas ng bansa

by Radyo La Verdad | August 10, 2016 (Wednesday) | 2757

MON_MOTION
Isang mosyon ang inihain ng kampo ni Pampanga Representative Gloria Arroyo sa Sandiganbayan upang makalabas ng bansa.

Nais ni Arroyo na makapunta ng Germany mula September 20 hanggang October 3 upang magpakonsulta sa mga eksperto at pagkatapos nito ay makapagbakasyon sa France.

Bukod dito nais rin ni Ginang Arroyo na makapag bakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Hongkong mula October 29 hanggang November 4.

Ang fourth division ng Sandiganbayan ang magdedesisyon sa kahilingan ni Ginang Arroyo.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,