Kahilingan ni dating PNP Chief Alan Purisima na makalabas ng bansa, pinayagan ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | August 12, 2016 (Friday) | 1713

JOYCE_PURISIMA
Pinayagan ng Sandiganbayan sixth division ang mosyon ni dating PNP Chief Alan Purisima na makalabas ng bansa.

Nagbayad ng thirty thousand pesos na travel bond si Purisima bilang paniguro na siya ay susunod sa mga kondisyon ng pagpayag sa kanya na makalabas ng bansa.

Pupunta si Purisima sa Estados Unidos mula September 5 hanggang 27 upang dalawin ang kanyang anak na nag-aaral sa Culinary Institue of America.

Tags: , ,