Pamimigay ng relief goods ng DSWD at mga kandidato ng administration party sa typhoon-affected areas, walang halong pulitika – Malakanyang

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 1686

LACIERDA
Kinontra ng Malakanyang ang pahayag ni Baler Aurora Mayor Nelianto Bihasa na hindi sila nakatanggap ng relief goods mula kay administration party standard bearer Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo nang dumalaw sa probinsya kahapon.

Ang bayan ng Baler ang malubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Lando.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, batay sa impormasyon na nakarating sa kaniya, nakatanggap ng relief goods ang mga residente ng Baler.
Naki-usap naman si DSWD Secretary Dingky Soliman na huwag sanang gamiting issue ang kalamidad ng mga pulitiko upang maisulong ang sariling interes.

Reaksiyon ito ni Soliman sa pahayag ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na ikinakampanya niya ang mga kandidato ng administrasyon sa halip na unahin ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng pangulo na sa kanilang ginagawang pagtulong ay walang pinipili, kapartido man o hindi.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: , ,