Pamilya ng mga dinukot na OFW ng ISIS sa Libya, nananawagan ng tulong sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | October 13, 2017 (Friday) | 3879

Nagdadalamhati pa rin ngayon sina Elizabeth at Aileen, maybahay ng mga Overseas Filipino Worker na sina Roldan Blaza at Wilson Eligue. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas mula nang dukutin umano ang mga ito ng ISIS.

Humihingi ang mga ito ng tulong mula sa pamahalaan matapos mabalitaan kamakailan sa media ng Libya na patay na ang mga ito.

Samantala, nakatanggap naman ang mga ito ng financial at livelihood assistance mula sa Villar Sipag Foundation. Kasama nila ang ilan pang mga distressed OFW at mga pamilya nito.

Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration na tutulungan ang pamilya ng mga dinukot na OFW.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,

OFWs prayoridad bigyan ng driver’s license card ng LTO

by Radyo La Verdad | June 2, 2023 (Friday) | 9404

METRO MANILA – Uunahing bigyan ng driver’s license cards ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na magtatrabaho bilang driver sa ibang bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Officer-In-Charge Asec. Hector Villacorta na may natitira pang 53,000 mga license card batay sa pinakahuling inventory.

Posible umanong hindi tanggapin ang papel na lisensya ng ibang bansa gaya sa Saudi.

Sa ngayon ay nakatutok ang LTO sa kung paano mapapabilis ang bidding at delivery ng mga bagong license card at plaka ng mga motorsiklo kasama ang pribadong sector.

Tags: , ,

DFA nakikipagugnayan sa Kuwait gov’t matapos ang suspension ng entry at work visas ng mga Filipino

by Radyo La Verdad | May 12, 2023 (Friday) | 12914

METRO MANILA – Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isyu sa suspension ng Kuwait sa entry at work visa ng mga Filipino.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Cortes nakatanggap na sila ng notice mula sa Kuwaiti government subalit hindi nakasaad ang dahilan ng suspension.

Una ng iniulat ng ilang pahayagan sa Kuwait na sinuspinde ang visa ng mga Filipino dahil may nilabag umano ang Pilipinas sa bilateral agreement nito sa Kuwait.

Noong Pebrero nagpatupad ang Department of Migrant Workers ng Deployment ban sa mga first time domestic workers kasunod ng pagkamatay ng ofw na si Julleebee Ranara.

Sa ngayon tanging ang mga Filipno na may residence visa ang pinapayagan na makapasok sa Kuwait.

Tags: , ,

PBBM tiniyak ang proteksyon ng OFWs at tutulungan ang kanilang pamilya

by Radyo La Verdad | February 6, 2023 (Monday) | 12634

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang mga pamilya.

Sa latest vlog ng pangulo, kinilala nito ang sakripisyo ng mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

“Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan ay masiguro ko ang inyong proteksyon ang inyong kalagayan at ang mga kalagayan ng inyong naiwan pamilya sa ating bansa.” ani Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa pangulo kabilang sa mga tinututukan ng pamahalaan ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa na kinaroroonan ng mga OFW.

Sa mga Pilipino namang nais bumalik ng bansa at naghahanap ng bagong trabaho, sinabi ng pangulo na mayroong mga training na nag-aabang para sa kanila upang gawing silang handa na makipagkumpetensya sa labor market sa buong mundo.

“Tutulungan natin sila sa training yung tinatawag na re-skilling at upskilling dahil yung ibang trabaho na lumalabas ngayon na highly technical ite-training natin ang ating mga ofw” ani Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tags: ,

More News