METRO MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan para sa matagumpay na pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH.
Ito ang itinuturing na flagship program ng gobyerno.
Sa ilalim ng Executive Order Number 34, ipinagutos din ni Pangulong Marcos Jr. na maglabas ng inventory ng lupa na maaaring magamit sa programa.
Target ng Marcos administration na makapagtayo ng 1 milyong housing units kada taon o 6 na milyong housing units bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos Jr.