Pambansang kamao Manny Pacquiao, balik-bansa na matapos ang laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, Nevada

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 946
Photo credit: Photoville International

Photo credit: Photoville International

Balik-bansa na si People’s Champ Manny Pacquiao matapos ang laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, Nevada.

Dumating si Pacquiao kasama ang kanyang pamilya kaninang madaling-araw sakay ng eroplano mula sa Los Angeles, California.

Naurong ang petsa ng pag-uwi ni Pacquiao dahil nananatili pa siya ng ilang araw sa America para magpahinga matapos ang operasyon sa kanyang injury sa balikat.

Mula sa airport ay didiretso si Pacquiao sa isang hotel sa Makati City para mag-almusal kasama ang kanyang sponsors bago sumabak sa motorcade bandang alas-nueve ng umaga.

Magsisimula ang parada sa Pasay Road sa Makati, diretso sa Makati Avenue, Ayala Avenue saka dadaan sa Sen. Gil Puyat papuntang Taft Avenue, Quirino at Roxas Boulevard saka magtatapos sa Rajah Sulayman Park.

Mamayang hapon naman ay inaasahang magko-courtesy call si Pacquiao sa Malacanang.

Pagkatapos ay uuwi na ang pamilya Pacquiao sa General Santos City kung saan naman may naghihintay na isa pang hero’s welcome.

Tags: ,