Pamamahagi ng mahigit sa P300M unclaimed health benefits ng Philhealth, inumpisahan na

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 1885

PHILHEALTH
Batay sa latest report na inilabas ng Commission on Audit, mayroong mahigit sa tatlong daang milyong pisong unclaimed health benefits ang hawak sa kasalukuyan ng Philippine Health i=Insurance Corporation o Philhealth.

Ang naturang pondo ay ang mga health benefits na hindi na-claim ng ilang miyembro ng Philhealth na nagkakahalaga ng kabuoang three hundred twenty-five point two million pesos.

Kaugnay nito sinimulan na ng Philhealth ang pamamahagi ng unclaimed benefits sa pamamagitan ng paglalathala ng notice sa mga pahayagan.

Ayon kay Philhealth President and CEO Atty.Alex Padilla, sa ngayon ay nahihirapan pa ang ahensya na maibalik ang naturang pondo sa kanilang mga miyembro dahil kulang ang mga impormasyon na kanilang nakukuha mula mga accredited hospital.

Bukod sa mga pahayagan, inilagay na rin ng Philhealth sa kanilang website ang listahan ng kanilang mga miyembro na maaring magrefund.

Bisitahin lamang ang kanilang website sa www.philhealth.gov.ph upang makita ang kumpletong listahan ng mga pangalan,pati na rin ang halaga na maaring i-refund ng mga ito.

Maari ring makipagugnayan sa Philhealth hotline number sa 441-74-42.

Kinakailangan lamang na iprisinta ng isang miyembro ang kopya ng notice of benefit payments, at ilang dokumento upang ma-claim ang naturang benepisyo.

Ayon sa Philhealth maaring i-claim ang naturang pondo hanggang sa taong 2017.

Ngunit sa oras na matapos ang dalawang taong palugit at manatili itong unclaimed, ay madaragdag na muli ito sa pondo ng philhealth.

Nangako naman ang ahensya sa mga miyembro nito ng mabilis na pagpo-proseso sa pagre-refund ng naturang benepisyo.

(Joan Nano/ UNTV News)

Tags: ,