Pamahalaan, wala pang umiiral na polisiya hinggil sa pakikipag-usap sa Maute group

by Radyo La Verdad | December 1, 2016 (Thursday) | 2239

asec-ablan
Wala pang ipinatutupad na polisiya ang pamahalaan hinggil sa pakikipag-usap sa Maute local terrorist group.

Ito ang ipinahayag ng Malakanyang sakabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong makipag-kaibigan sa teroristang grupo upang matigil na ang kaguluhan sa Butig, Lanao del Sur.

Ayon sa palasyo ang pahayag ng pangulo ay nagpapakita lamang ng sensiridad ng administrasyon sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

Samantala, pinabulaanan naman ng Malakanyang ang kumakalat na balita sa social media na may conspiracy o nagsabwatan ang pamahalaan at militar sa nangyaring pananambang sa Advance Security Group ng pangulo sa Marawi City upang ideklara ang suspension ng Writ of Habeas corpus sa bansa.

Tags: , ,