Pamahalaan, nanindigang walang banta ng terrorismo sa bansa sa kabila ng inilabas na travel warning advisories

by Radyo La Verdad | December 21, 2016 (Wednesday) | 1561

ABELLA
Walang natatanggap na intelligence report ang Malakanyang kaugnay ng banta ng terorismo sa Mindanao kasunod ng inilabas na travel warning ng amerika sa kanilang mga mamamayan.

Nakasaad sa warning na dapat iwasan muna ng US citizens ang pagpunta sa Mindanao, partikular na sa Sulu, dahil umano sa patuloy na banta ng terorismo, insurgent activities at kidnapping.

Ngunit ayon kay Presidential Spokeperson Ernesto Abella, tila walang namang dahilan upang gawin ito ng Amerika.

Mula January 2016, 13 kaso na ng kidnapping ng mga foreigner sa Mindanao ang napaulat.

Samantala, pinayuhan naman na lahat ng US goverment personnel na kailagang bumiyahe sa naturang rehiyon na kumuha muna ng special authorization mula sa Embassy Security Officials.

(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)

Tags: ,