Nagbabala ni Sec. Carlos Dominguez ng Department of Finance sa mga tao na bumibili ng mga pekeng tax stamps, na ito ay paglaban sa interest ng bayan.
Ito ang naging pahayag ng kalihim sa ginawang tax reform roadshow ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City.
Ayon pa sa kalihim, mahigpit ang kampanya ng pamahalaan sa mga lumalabag sa batas ng pagbubuwis.
Aniya, sa natuklasan nilang negosyante na nagtitinda sa internet ng mga pekeng tax stamps, nagpaabot na ng babala ang gobyerno sa mga ito.
Ang mga pekeng tax stamps na nasabat ng pamahalaan na nasa sigarilyo ng kumpanyang mightly corporation ay pinapapanagot ng gobyerno.
Ayon pa sa kalihim, ang mga abogado ng Mightly Corporation ay humahandalang upang mapabilis ang proseso ng kaso.
Pursigido ang pamahalaaan na papanagutin ang mga iligal na kumpanya na lumalabag sa tax laws ng bansa.
Ayon pa sa kalihim, ang tax reform ng pamahalaan ay para sa ikabubuti ng mga mamamayan at pinapayuhang huwag pumasok sa mga iligal na transaksyon na makaka apekto sa interes ng bansa.
(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)