Pamahalaan, may sapat na pondo para sa rehabilitasyon ng Boracay Island – DBM

by Radyo La Verdad | May 3, 2018 (Thursday) | 4465

Tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi na kinakailangang humingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para sa isinasagawang rehabilitasyon ng Boracay Island.

Maaaring kunin ang pondo sa contingent o calamity fund ng pamahalaan.

Ito rin ang kaniyang sagot sakaling humingi pa ng karagdang budget ang mga ahensyang kabilang sa Interagency Task Force na nangangasiwa sa Boracay Island rehabilitation.

Samantala, upang mapabilis ang isasagawang konstruksyon ng mga kalsada sa Boracay Island, ngayong linggo ipagkakaloob din ng DBM ang pondong nagkakahalaga ng 490 million pesos sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang halagang ito ay karagdagan sa 50 milyong pisong nakatalaga na sa 2018 national budget para sa improvement ng Boracay circumferential road.

Nakapaloob sa naturang proyekto ang improvement ng drainage at sewerage system sa main road ng isla.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,