Pamahalaan, hinigpitan ang kampanya laban sa tumataas na kaso HIV-AIDS sa bansa

by dennis | May 11, 2015 (Monday) | 2431
(Photo Credit: C. Goldsmith and Content Providers: CDC/ C. Goldsmith, P. Feorino, E. L. Palmer, W. R. McManus)
(Photo Credit: C. Goldsmith and Content Providers: CDC/ C. Goldsmith, P. Feorino, E. L. Palmer, W. R. McManus)

Patuloy na gumagawa ng paraan ang pamahalaang Aquino para pigilan ang paglaganap ng human immunodeficiency virus infection at acquired immune deficiency syndrome o HIV-AIDS sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr, patuloy na binabantayan ng Department of Health ang tumataas na bilang ng kaso ng HIV-AIDS at patuloy ang pagpapakalat ng mga infomercial para mapigilan ito.

Ito ay matapos na kumpirmahin ng DOH ang 646 na bagong kaso ng HIV AIDs noong nakaraang buwan ng pebrero na itinuturing na pinakamataas na tala mula noong 1984 na naitala ang unang kaso ng naturang sakit.

Nadiskubre din na 586 mula sa 646 cases ang nakuha mula sa pakikipagtalik.

Sa ulat ng nasabing ahensya, pabata ng pabata ang nahahawa ng naturang sakit dahil sa pagkakaroon ng maraming sex partners.

Muli namang nanawagan ang pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagiingat laban sa hindi marapat at hindi ligtas na pakikipagtalik.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: