Pamahalaan, hindi madadaan sa suhol para linisin ang narco list- Sec. Sueno

by Radyo La Verdad | October 5, 2016 (Wednesday) | 1744

sueno
Patunay lamang na walang untouchable sa programa ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ipinagbabawal na droga.

Ito ang sinabi ni DILG Secretary Ismael Mike Sueno kasunod ng pagkaka-aresto kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa ngayong araw kaugnay ng illegal drugs na natagpuan sa kanyang bahay noong Agosto.

Ayon sa kalihim hindi sya nagulat sa kinahinatnan ng kaso laban sa alkalde.

Itinuturing ng DILG na pagtatagumpay ito ng pamahalaan sa anti-illegal drugs campaign nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng task force agila na binubuo ng grupo ng DILG, National Police Commission at PNP sa mga nakasaad sa narco list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinabibilangan umano ng local and police officials, lawmakers, judges and civilian drug lords ang naturang listahan.

Nasa limampung opisyal ang iniimbestigahan at karamihan ay incumbent city at municipal mayors na pinoprotektahan umano ng armed people.

Ayon sa DILG sampu pa lang ang tumugon dito na sumailalim sa pag-iimbestiga.

Pinabulaanan naman ni Secretary Sueno ang ilang ulat na galing sa DILG ang umano’y mga kawani ng pamahalaan na tumatawag sa ilang nasa narco list upang malinis ang kanilang pangalan kapalit ng suhol gamit ang pangalan ng kalihim.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,