Pamahalaan, handang buksan sa ibang foreign company ang pagiging pangatlong telco player sa bansa

by Radyo La Verdad | January 4, 2018 (Thursday) | 4674

Inihayag ng Malakanyang na hindi pa rin tiyak kung pinal na sa China manggagaling ang third telecommunications player na pahihintulutang makapasok sa bansa, ito’y sa kabila na una na itong inialok ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Prime Minister Li Keqiang nang bumisita ito sa bansa.

Gayunman, ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kung hindi papayag ang Chinese telcom sa constitutional foreign-ownership provision, posibleng buksan sa ibang bansa ang alok ng Duterte administration.

Subalit ayon sa opisyal, wala namang indikasyon na nagsasabing ayaw ng China na isulong ang naturang proyekto.

Determinado pa rin naman si Pangulong Duterte na maipatupad na sa lalong madaling panahon ang pagkakaroon ng third telcom provider sa Pilipinas na inaasahang makapaghahatid ng mas matinding kumpetisyon sa mga telcos at mas magandang serbisyo para sa publiko.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,