Pakikipag-ugnayan ng pangulo sa media, dapat maging maayos ayon sa Malakanyang

by Radyo La Verdad | June 3, 2016 (Friday) | 1233

JERICO_COLOMA
Ipinahayag ng Malakanyang na mainam na maging maayos ang pakikipag-ugnayan ng pangulo ng bansa sa media dahil sa mahalagang papel nito sa paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Ito ay bagama’t bawat pangulo ay may personal na estilo sa pakikitungo sa media.

Kasunod ang pahayag ng ginawang paglilinaw kagabi ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang naging pahayag kaugnay ng media killings kung saan naging mabigat din ang mga pananalita nya sa ilang miyembro ng media.

Matatandang isang international media group ang nanawagan na iboycott ang mga press conference ni Duterte hangga’t hindi ito nag-iisyu ng public apology.

Ngunit sa kanyang presscon kagabi, tumanggi na humingi ng tawad si Duterte at hinamon pa nito ang mga miyembro ng media na iboycott na lamang sya.

(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,