Makatutulong ang pagsasanay sa sweet corn production upang mapalago ang kita ng mga magsasaka at maisulong ang sektor ng agrikultura para sa inclusive growth.
Ayon kay Senador Cynthia Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, matutulungan nito ang mga magsasakang pilipino at mga nasa agri-related industry na maging competitive at matagumpay.
Tiniyak rin ni Sen.Villar na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng pagsasanay at edukasyon sa mga magsasaka, mangingisda pati na mga pamilya at residente ng agricultural communities sa buong bansa.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: agtuturo ng sweet corn production, Mga magsasaka, sektor ng agrikultura, Sen. Villar