Pagprotekta sa interes ng mga magsasaka, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | April 6, 2017 (Thursday) | 6088


Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Grand Harvest Festival sa talavera Nueva Ecija kahapon.

Layon ng pagdiriwang na hikayatin ang mga magsasaka na gumamit ng hybrid rice.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol sa pamamagitan nito ay mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa at makakamit ang target na rice self-sufficiency ng pamahalaan.

Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Duterte na unang po-protektahan ang interes ng mga Pilipinong magsasaka.

(Bryan Lacanlale)

Tags: ,