Pagtitipon ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita, nauwi sa tensyon

by Radyo La Verdad | April 25, 2017 (Tuesday) | 9019


Daan-daang militante mula sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon ang nagtipon sa Tarlac kahapon.

Ito ay bilang paggunita sa ika-limang anibersaryo ng paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema hinggil sa pamamahagi sa lupain ng Hacienda Luisita.

Nagsagawa sila ng isang maiksing programa sa Balete covered court bago pumunta sa RCBC at LLC o Luisita Land Corporation.

Giniba nila ang pader ng compound na simboliko umano ng pagbawi nila ng lupa sa hacienda ngunit nauwi ito sa tensyon.

Hindi kabilang ang RCBC at LLC sa iniutos ng korte na ipamahagi sa magsasaka sa land conversion ruling nito noong 1996 pabor sa Hacienda Luisita.

Sa inilabas namang kautusan ng Department of Agrarian Reform, nirevoke nito ang land conversion sa higit 384 ektaryang lupain dahil sa kawalan ng development sa loob ng 20 taon.

Noong Linggo pa sinimulan ng mga militante ang kanilang programa sa pamamagitan ng bungkalan upang bawiin ang lupaing matagal na umanong ipinagkakait sa mga magsasaka.

(Bryan Lacanlale)

Tags: ,