Pagtawag ng dalawang world leaders, pagpapakita ng mahalagang papel ni Pangulong Duterte sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Asia Pacific Region- Malakanyang

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 4943


Sa loob ng isang linggo, nakausap sa telepono ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang pinakamakapangyarihang lider sa buong mundo– sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Noong nakalipas na Sabado, tumawag si President Trump kay Pangulong Duterte samantalang Miyerkules naman ng gabi nang tawagan ni President Xi ang Philippine president.

Napag-usapan sa kapwa telephone conversations ang pagpapanatili ng magandang ugnayan at partnership sa pagitan ng mga bansa.

Nabuksan din sa pag-uusapang mga naging alalahanin ng mga miembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kabilang na ang banta ng seguridad sa Korean peninsula.

Ayon sa Malakanyang, malaki ang bahaging ginagampanan ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Katunayan din ito na kinikilala ng ibang bansa ang leadership ni Pangulong Duterte.

Ayon naman kay Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon, sa halip na makipagtalo, pakikipagkaibigan sa kapakinabangan ng ekonomiya at kapayapaan ang layon ni Pangulong Duterte sa pakikipaglapit sa US at China.

(Rosalie Coz)

Tags: , , ,