Pagtatayo ng temporary shelters sa Marawi City, sinimulan na ng NHA

by Radyo La Verdad | November 10, 2017 (Friday) | 3392

Sa Brgy. Sagonsongan, na 15 minutong byahe ang layo mula sa Sentro ng Marawi City ang napili ng National Housing Authority na pagtayuan ng mga temporary shelters para sa mga residente na naapektuhan ng kaguluhan.

Ang lupang pagtatayuan ng mga ito ay ipinahiram umano ng kaanak ng alkalde ng lungsod na si Mayor Majul Gandamra.

Ayon kay Alfonso Borlagdan, ang head ng NHA sa Region 9,  nasa dalawang daan tatlumpu’t  anim na ang kanilang nasimulan.

Target ng Taskforce Bangon Marawi na makatapos ng nasa anim na raang temporary shelter bago matapos ang taon.

Tiniyak naman ng NHA na kaya nilang tapusin ang naturang mga bahay dahil sapat naman aniya ang mga materyales at mga tao.

Ngunit nakakaabala lamang umano ang madalas na pag-uulan kung kaya’t nahihinto din ang kanilang mga paggawa.

Bukod sa temporary shelters, magtatayo rin ng daycare center at common market.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,