Ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority ang konstruksyon ng rail track ng MRT Line 7 sa North Avenue.
Ayon sa MMDA, hindi sila naabisuhan ng maaga ng MRT-7 Project Traffic Management Task Force kung kayat postponed muna ang construction.
Ayon sa MMDA, lubhang makitid ang North Avenue, hindi gaya ng Commonwealth Avenue na kung saan itinatayo rin ang ilang bahagi ng MRT Line 7. Ookupahin ng construction ang isang lane ng North Avenue at sa halip na tatlong lane ay dalawa na lamang ang matitira para sa mga motorista.
Sa plano ng MRT-7, mauunang ayusin ang phase 1 sa tapat ng Veterans Memorial Medical Center at Agham Road.
Ang phase 2 naman ay sa bahagi ng Agham at Mindanao Avenue, at ang phase 3 ay sa bahagi naman ng Edsa at Mindanao Avenue.
Ang Mrt Line 7 ay isang 22 kilometer rail system na magsisimula sa Edsa North Avenue hanggang sa San Jose, Del Monte Bulacan.
Inaasahang matatapos ang MRT Line 7 sa unang quarter ng taong 2020.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: MMDA, MRT-7, North Avenue