Magsisimula na ngayong linggo ang usapan sa pagitan ng Department of Transportation o DOTr at Light Rail Manila Corporation o LRMC sa planong pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit (LRT ) Line 1.
Nakasaad kasi sa kasunduang pinirmahan ng dalawa na magkakaroon dapat ng sampung pursyentong taas pasahe sa Agosto 1.
Ayon kay DOTr Spokesperson Cherie Mercado, nirerespeto ng ahensya ang kontrata subalit nais pa rin ng pamahalaan na makipagnegosasyon upang hindi gaanong maapektuhan ang mga commuter.
Ngayong linggong ito naka-set ang initial talk ng ahensya at ng LRMC na binubuo ng Ayala Corporation at Metro Pacific Investments Corporation.
Sa huli tiniyak ng DOTr na walang fare hike hanggang hindi pa nasisimulan ang pag uusap sa pagitan ng pamahalaan at mga stakeholder ng LRT 1.
(Yoshiko Sata / UNTV Correspondent)