Presyo ng mga produktong petrolyo, may panibagong rollback ngayong linggo

by Radyo La Verdad | March 13, 2017 (Monday) | 2908


Inaasahang muling magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.

Ayon sa oil industry players, singkwenta hanggang sisenta sentimos kada litro ang posibleng mabawas sa halaga ng gasolina, trenta hanggang kwarenta sentimos sa diesel at sisenta hanggang sitenta sentimos naman sa kerosene.

Ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ay dulot ng paggalaw ng halaga ng nito sa pandaigdigang merkado.

Tags: , , ,