Planong sampahan ng kasong cyberlibel ni Senator Tito Sotto ang may-ari ng isang social media account na nagsasabing tumanggi siya at anim na iba pang Senador na lagdaan ang isang resolusyon na nananawagan sa pamahalaan na gumawa ng aksyon upang matapos ang pagpatay sa mga menor edad.
Batay sa blog, ang pitong senador ay tinawag na “Malacañang dogs”. Tinawag ring rapist si Senator Sotto.
Kabilang sa iba pang senador na binabanggit sa blog ay sina senators Richard Gordon, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Manny Pacquiao at Senate President “Koko” Pimentel.
Ayon pa sa mga ito, hindi naman sila nabigyan ng pagkakataon na mabasa at malagdaan ang naturang resolusyon.
Ayon kay Senator Villar, may nagsabi sa kaniya na may dalawang senador ang nais sirain ang Majority Bloc. Ngunit pinabulaanan naman ng mga ito ang alegasyon.
Si Senator Francis Pangilinan na isa sa mga nag-akda ng resolusyon ay suportado sentimiyento ng kaniyang kapwa mga mambabatas.
Nais ni Senator Sotto na paimbestisgahan ito sa kinauukulang komite.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: fake news, SEN. SOTTO, Senseless killings