Pagtaas ng premium rate ng  PhilHealth ngayong 2023, pinasususpinde ng Malacañang

by Radyo La Verdad | January 3, 2023 (Tuesday) | 6342

METRO MANILA – Inutos ng palasyo ng Malacañang sa Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang suspensyon ng pagtaas sa kontribusyon at income ceiling ng mga miyembro ng PhilHealth ngayong taon.

Ito ay batay sa isang memorandum na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Nakasaad sa memorandum na hindi muna ipapatupad ang dagdag na kontribusyon para sa mga PhilHealth members na mula 4% ay gagawing 4. 5% ngayong taon at income ceiling na mula ₱80,000 ay magiging ₱90,000.

Ang dahilan ng suspensyon ayon sa pinirmahang memo ni Executive Secretary Bersamin ay dahil sa hirap ng buhay ngayon dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito raw ay makatutulong kahit papaano sa mga miyembro ng PhilHealth na mabawasan ang kanilang iisipin dagdag bayarin.

Tags: