Pagtaas ng kontribusyon sa SSS at PhilHealth, simula na ngayong buwan

by Erika Endraca | January 4, 2021 (Monday) | 17321

METRO MANILA – Madadagdagan ng P100 ang hulog sa Social Security System (SSS) sa mga kumikita ng P10,000 kada buwan, mula ngayong Enero na paghahatian ng employer at employee.

Mas mataas pa dito ang para sa mga mas matataas ang sweldo.

Ayon sa SSS ito ay nakasaad sa Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2018 kung saan hanggang 2025 ay nakatakdang taasan ang kontribusyon ng hanggang 15%.

Pero sa mga kumikita ng mahigit sa P20,000 ay uumpisahan narin ang “Worker’s Investment and Savings (WISP) program”.

Para ito sa mga empleyado maging sa mga OFW P3,250 ang kanilang ihuhulong kung saan ang 650 pesos namansa WISP. Mas malaki ang magiging bahagi ng employer.

Ayon sa SSS, ang pinaka layunin nito ay madagdagan ang benepisyo ng mga kuwalipikadong miyembro para sa pagreretiro nito, total disability o death.

“Ang ibig sabihin noon sa isang karaniwang empleyado, nag invest ka ng 225 pesos, right away kumita ka ng 425 pesos na employer match. That’s like a 189% return right of the path. “ani SSS Chief actuary, Atty. Edgar Cruz.

Umpisa narin ngayong buwan ang dagdag sa PhilHealth. Plus P50 para sa mga kumikita ng 10 libo pababa habang mas mataas din sa mas mataas ang sweldo.

Ayon sa philhealth, ito’y base sa Universal Health Care Law para matiyak ang katatagan ng pondo ng ahensya.

Pero parehong tutol sa mga nasabing pagtaas sa kontribusyon ang Labor at Employers’ Group.

“Mahirap ngayon ang pamumuhay dahil sa pandemic at ikalawa, medyo hindi po maganda ang reputasyon ng PhilHealth dahil dito sa graft and corruption issue na nakapalibot sa Philhealth.”

“Pwede naman i-defer yan. Maraming issues na remaining to be clarified at siguro ngayong time na ‘to, lahat ng tao eh naghihikahos sa pera so even piso is important to many.” ani ECOP President, Sergio Ortiz-Luiz Jr.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,