Kumpiyansa ang Malacañang na magpapatuloy pa ang malilikhang trabaho para sa mga manggagawang Pilipino sa ilalim ng Daang Matuwid ng administrasyong Aquino.
Ito ay matapos na makapagtala ng tinatayang 752,000 na trabaho noong January 2016 base sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
“This latest piece of good news points toward our continued upward trajectory along Daang Matuwid.” Pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.
Mas mataas ito ng 2% kaysa noong January 2015.
Dahil dito, bumaba sa 5.8% ang unemployment rate kumpara sa 6.6% noong nakaraang taon.
Ayon pa kay Lacierda, hudyat aniya ito na mananatili ang kalagayan ng bansa na Asia’s Rising Tiger.
“With such positive signs of our vibrant labor market, the Philippines is poised to secure its status as Asia’s Rising Tiger.” Ani Lacierda.
Ang nakalipas aniyang mga taon sa pamamahala ni Aquino ang nagbigay daan tungo sa pagunlad ng bansa.
Kaya naman umaasa aniya ang Malacanang na sa darating na halalan ay pipiliin ng mga botante ang mga kandidatong mayroong integridad at magandang track record.
Ang service sector ang nanatiling may pinakamalaking bahagi sa labor industry na nagtala ng 5.6% employment growth habang ang industry sector ay nagtala ng 8.4% na employment growth.
Ayon sa PSA, ang pagtaas ng employment rate sa bansa ay bunsod ng nalikhang trabaho sa construction subsector na resulta ng pagtaas ng public infrastructure spending sa last quarter ng 2015.
(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)
Tags: employment rate, Malacañang, Pagtaas