Pagsusulong ng orihinal na bersyon ng draft BBL, patuloy na pinaninindigan ng Malacanang

by Radyo La Verdad | June 4, 2015 (Thursday) | 1167

EDWIN LACIERDA_052115
Walang nakikitang dahilan ang Malakanyang upang magkaroon pa ng isang Substitute Bill ang orihinal na bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ito ang reaskyon ng Malakanyang sa sinabi ng Chairman ng Committee on Local Government na si Senator Bong-bong Marcos kahapon na babalangkas ng Substitute Bill ang kanyang kumite kapalit ng Malakanyang version.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang bersyon ng BBL na kanilang isinumite sa Kamara ay dumaan na sa masusing pag-aaral.

Paliwanag pa ng Malakanyang, walang dapat ipag-alala ang mga Senador sa ilang probisyon sa BBL, tulad na lamang ng isyu ng magiging teritoryo ng itatatag na Bangsamoro Government na ipapalit sa ARMM.

Sa kabila nito, iginagalang ng Malakanyang ang proseso ng Senado sa pagpapasa ng mga panukalang batas.

Naniniwala pa rin ang Malakanyang na ikokonsidera ng mga mambabatas ang layunin ng Administrasyong Aquino na magkaroon ng tunay na kaunlaran at kapayapaan sa Mindanao.

Tags: ,