Administration Party, hindi nababahala sa planong pagtakbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 4811

LACIERDA
Hindi nababahala ang Malakanyang sa planong pagtakbo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo sa 2016 elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa huli ang tao pa rin ang magpapasya kung sino ang kanilang napipisil na susunod na lider ng bansa base sa mga plataporma at sa personalidad.

Samantala hindi nasorpresa si Senador Grace Poe sa desisyon ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na tumakbong pangulo sa 2016.

Ayon sa senadora noon pa man ay halata na niya ang kagustuhan ng alkalde ng Davao City na tumakbong pangulo ng bansa. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,