Pagsugpo sa korapsyon at modernisasyon, kabilang sa mga tinalakay sa transition meeting sa Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1656

BOC LINA
Isa-isa nang itine-turn over ni outgoing Customs Commissioner Alberto Lina sa papalit sa kanya sa pwesto ang mga maiiwang trabaho sa ahensya.

Kahapon muling nagpulong sina Lina at Nicanor Faeldon upang pag-usapan ang magaganap na pagpapalit ng liderato sa ahensya.

Ayon kay Lina kasama sa natalakay ang modernisasyon ng BOC.

Pinag usapan din ng dalawa kung paano magagawang 24/7 ang operasyon ng BOC upang maiwasan na ang port congestion.

Kabilang dito ang isyu kung sapat na ba ang tauhan ng BOC o mangangailangan sila ng karagdagang empleyado.

Natalakay din ang isyu ng kurapsyon at kung paano masusugpo ito.

Ayon sa Customs Chief patuloy na gumagawa ng hakbang ang kasalukuyang pamunuan ng komisyon laban dito.

May payo rin si Lina kay Faeldon kung paano malalabanan ang smuggling.

Nakatakda pa uling mag usap ang dalawa.

Samantala patuloy pa ring binabalangkas ng BOC ang implementing rules and regulation ng kapapasa lang na Customs Modernization and Tariff Act.

Isa sa laman ng naturang batas ay ang gawing automated na ang transaksyon sa Customs Bureau upang mabawasan na ang human intervention bilang pangontra na rin sa korapsyon.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,